-- Advertisements --

Naibenta sa auction sa halagang $15.7 million ang rare 102-carat white diamond.

Isinagawa ng Sotheby’s Hong Kong ang online auction dahil sa coronavirus pandemic kung saan hindi na nila pinangalanan ang nanalong bidder.

Mula sa 271-carat stone ang diamond na nadiskubre sa minahan sa Canada noong 2018.

Walang anumang reserve price ang nasabing diamond o ang minimum na presyo na ang maaaring tanggapin ng seller ang nasabing item.

Ito ang unang pagkakataon na naibenta ang nasabing diamond sa pamamagitan ng online.