-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 13 ang kaso ng mga nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Dahil dito, pumalo na sa 111 ang total na bilang ng mga infected ng itinuturing na pandemic virus.

Ayon sa Department of Health, lumabas ang resulta ng laboratory tests ng 13 kahapon, March 13.

Sa ngayon patuloy pang vina-validate ng ahensya ang iba pang impormasyon kaugnay ng mga bagong kaso ng sakit.