Tuloy-tuloy ang hiring ng Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang immigration officers na aatasang magbantay sa mga international airports at seaports nationwide.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang pag-hire ng karagdagang 100 BI officers ay bahagi ng kampanya ng ahensiya para paigtingin ang border control at mapaganda ang serbisyo sa mga mananakay.
Isa umano sa mga dahilan kung bakit kailangan nila ng karagdagang tauhan ay dahil na rin sa pagbubukas ng mga bagong international airports.
Tiniyak naman ni Morente na ang mga bagong hired officers ay sasailalim sa pagsasanay sa ilalalim ng Center for Training and Research ng BI bago sila i-deploy.
Maalalang apat na buwan na ang nakaraan nang i-deploy din ng BI ang 67 na bagong hire na immigration officers sa ports at subports ng bansa.