-- Advertisements --
Nasa 100 kababaihan at bata ang nailigtas mula sa armadong kalalakihan sa northwestern Zamfara, Nigeria.
Sinabi ni Zamfara police spokesman Mohammed Shehu na karamihang mga biktima ay mga nursing mothers na dinukot ng mahigit anim na linggo.
Dinukot ang mga ito noong Hunyo 8 ng mga armadong kalalakihan sa Manawa Village.
Nilinaw naman ng mga otoridad na walang anumang ibinayad ang mga biktima para sila ay makalaya.
Sasailalim muna ang mga bikitma sa medical check-up bago pauwiin sa kanilang mga pamilya.
May ilang mag-aaral pang hawak ang mga armadong suspek.