Kinumpirma ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bukas ang Pilipinas na payagan ang 100% foreign ownership sa mga large-scale geothermal exlporation, development at utilization projects.
Ginawa ni Cusi ang naturang anunsyo sa kaniyang talumpati para sa Second Global Ministerial Conference on System Integration of Renewables.
Sinabi nito na pinirmahan na niya ang Department Circular noong Oktubre 20 kung saan nakasaad ang guidelines para sa ikatlong Open and Competitive Selec tion Process (OCSP3) sa gagawing awarding ng Renewable Energy (RE) Service Contracts.
Batay sa paliwanag ng Department of Energy (DOE) maituturing na large-scale geothermal projects ang mga proyekto na may initial investment cost na aabot ng $50 million capitalization sa pamamagitan ng Financial at Technical Assistance Agreements (FTAAs).
Bukod dito ay inihayag din ni Cusi na magpapatupad ng moratorium ang energy department para naman sa endorsements ng “greenfield” o proposed coal power plants.
Base raw kasi sa pinakahuling assessment ng DOE ay nabatid nito ang pangangailangan ng bansa na lumipat sa mas flexible power supply mix.