CEBU CITY – Hindi bababa sa 100 mga siklista ang inaasahang lahahok sa 13.2 kilometer na ruta simula sa 7:30 ng gabi, Marso 27 bilang bahagi ng pagdiriwang ng lungsod ng Earth Hour.
Nauna nang inihayag ng Traffic Enforcement Agency of Mandaue (TEAM) na ang nasabing aktibidad ay makakatulong sa pagpapalakas ng kampanya sa pagtipid ng enerhiya sa lungsod.
Umaasa pa silang madadagdagan pa ang nasabing bilang ng mga lumahok dahil wala namang kinakailangang pagrehistro para makasali sa aktibidad.
Nakatakda ring magdeploy ng karagdagang traffic enforcers upang matiyak ang kaligtasan ng mga nagbibisikleta.
Magsisimula ang The Earth Hour cycling activity at magtatapos sa Parkmall sa Ouano Avenue sa Mandaue Reclamation Area.
Inihayag pa ni Mayor Jonas Cortes na sa maliit na paraan ay may magagawa tayo para sa ating kapaligiran.