-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagdulot ng pagkabahala sa mga tao ang lumabas na impormasyon na may mahigit 100 ang namatay sa Davao region.

Ayon kay Dr. Bryan Paano, officer-in-charge ng Livestock Program Coordinator ng Department of Agriculture-Region 11, hog cholera ang ikinamatay ng naturang mga baboy at hindi dahil sa African swine fever (ASF).

Dagdag pa ni Paano, mahigpit nilang minomonitor ang livestock sa rehiyon para mapigilan ang pagpasok sa nasabing virus at hindi ito makakaapekto sa hog industry sa rehiyon.

Napag-alaman na may binuo ang lokal na pamahalaan na African Swine Fever-Task Force na siyang inatasan na magmonitor kung may makakapasok na ASF lalo na kanilang lungsod.