-- Advertisements --
Opisyal na kinilala ng Guiness World Record ang 100-anyos na lola bilang pinakamatandang weightlifter sa buong mundo.
Isinabay ng Guinness ang pagbibigay kilala sa ika-100 kaarawan ni Edith Murway-Traina.
Ayon sa Guinness nagbubuhat mula 40 hanggang 150 pounds si Edith.
Nagsimulang sumali ang Tampa Bay based lifter noong 91-anyos dahil sa pang-enganyo ng kaniyang kaibigan para maging aktibo.
Kuwento nito, sa simula ay pinapanood niya ang mga kababaihan na nagbubuhat ng mga weights hanggang sa sinubukan na rin niya ito.
Huling kompetisyon nito ay noong 2019 at ito ay natigil dahil sa COVID-19 pandemic.