Sugatan ang 10 katao sa pampasaherong tren sa England matapos mang-amok ng saksak ang dalawang (2) suspek sa hindi pa malaman na dahilan.
Siyam (9) sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan matapos magtamo ng malalang saksak sa parte ng kanilang mga katawan.
Batay sa inisyal na report ng British Transport Police, nakatanggap sila ng tawag ng pananaksak bandang alas-7:42 ng gabi sa Doncaster to London King’s Cross station.
Nabatid na sumakay pa ang suspek sa Huntingdon Station kung saan ito na aresto.
Ayon sa ulat patuloy ang pag-imbestiga ng mga awtoridad ukol sa nangyaring insidente na maaari raw matagalan bago ma-kumpirma ang totoong dahilan ng pananaksak.
Samantala sa isang pahayag sinabi ni British Prime Minister Kier Starmer sa kanyang social media na lubos aniyang nakaka-alarma ang naganap na pananaksak at hiniling sa publiko ang pagsunod sa mga awtoridad.
‘My thoughts are with all those affected, and my thanks go to the emergency services for their response. Anyone in the area should follow the advice of the police,’ post pa ni Starmer sa kanyang X (dating Twitter).
Nagpaabot na rin ito ng tulong sa pamilya ng mga biktima.










