-- Advertisements --
Patay ang 10 katao sa naganap na malaking sunog sa flats ng Urumqi city ang capital ng western Xinjiang region.
Ikinagalit pa ng mga residente dahil sa ipinapatupad sa lugar ang strict COVID-19 restrictions mula pa noong Agosto.
Panandalian lamang kasi nakakalabas ang mga residente sa kanilang bahay at sila ay inoorasan ng mga otoridad.
Dinala naman sa pagamutan ang siyam na iba pa na nasugatan dahil sa insidente.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad nagsimula ang sunog sa ika-15 palapag ng gusali.
Inaalam pa rin nila kung paano at saan nagsimula ang nasabing sunog.