-- Advertisements --

Nasa 10 katao ang patay matapos na sila ay pagbabarilin ng isang suspek sa California.

Naganap ang insidente sa isang dance studio sa Monterey Park, California.

Sugatan din ang hindi bababa sa 10 katao na itinakbo na ang mga ito sa pagamutan.

Ayon kay Capt. Andrew Meyer ng Los Angeles County Sheriff’s Department na mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Inaalam pa rin nila ng motibo ng tumakas na suspek.

Karamihan sa mga naninirahan sa lugar ay Asian kaya kinansela na nila ang pagdiriwang ng Lunar New Year sa lugar.

Tumulong na rin ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa insidente.