-- Advertisements --
Patay ang 10 katao sa naganap na landslide sa India.
Itinuturong dahilan ng nasabing landslide ang ilang araw na matinding pag-ulan sa bayan ng Irshalwadi.
Base sa mga otoridad na naganap sa gabi ang pagguho ng lupa sa bulubunduking bahagi ng lugar.
Dinala naman sa pagamutan ang 80 katao na nasugatan dahil sa nasabing insidente.