-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit 10 million Pilipino ang tapos na hanggang sa step 2 ng registration process para sa National ID system.

Sa isang statement, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na kabuuang 10,092,022 registrants na ang tapos sa collection ng biometric information hanggang noong Mayo 21 para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Kabilang sa mga kinukuha na biometric information ay ang iris scan ng isang tao, ang fingerprint at front-facing photograph nito.

Para sa mga tapos na sa second step, kailangan lamang ng mga ito na maghintay para sa step 3 o ang delivery naman ng kanilang physical ID card at unique PhilSys number.

Ayon sa PSA, hanggang noong Mayo 15 aabot na sa 100,000 IDs ang naipamahagi ng PHLPost.