-- Advertisements --
Kinansela ng Ninoy Aquino International Airport ang 10 domestic flight dahil sa masamang panahon.
Ito ay batay na rin sa naging rekomendasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Kinabibilangan ito ng mga biyaheng mula Manila papuntang Laoag at pabalik, sa bahagi ng R01.
Sa R02, kanselado rin ang biyaheng Manila to Tuguegarao City at Manila to Cauayan City pabalik.
Maliban dito, kinansela rin ng MIAA ang biyaheng Manila-Masbate.
Muli namang umaapela ang NAIA sa mga pasahero na makipag-ugnayan ng maaga sa mga airline companies upang maimpormahan ukol sa availability ng kanilang mga flight.