-- Advertisements --
SONA HOR HOUSE OF REPS PLENARY

Ipinapanukala ng party-list solons na mabigyan ng 10 araw na paid bereavement leave ang mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor.

Nakasaad sa House Bill 2345 o Bereavement Act of 2022 nina TINGOG Party-list Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre na layunin ng panukala na bigyang pagkakataon ang mga manggagawa na makapagluksa at unti-unting makabangon mula sa pagpanaw ng kanilang asawa, magulang, anak, kapatid o iba pang kaanak ng hanggang third degree of consanguinity o affinity ng hindi nasasakripisyo ang kanilang sweldo.

Hindi naman maaaring gamitin ang availment ng bereavement leave para patawan ang empleyado ng misconduct, demotion, o termination sa trabaho.

Oras na maging ganap na batas, ipinapanukalang patawan ng P20,000 na multa o 15-araw na pagkakulong ang sinumang lalabag.