-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection upang matukoy ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa 10 kabahayan sa San Pedro, Molo, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Fire Senior Officer 1 Judz Romaquin, arson investigator, sinabi nito na sa 10 bahay, walo ang totally burned at dalawa ang partially burned.

Ayon kay Romaquin, base sa pahayag ng mga residente, nagmula ang apoy sa bahay ng nagngangalang Lydia Diogenes.

Tinatayang nasa P675,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

Sa ngayon, pansamantalang nananatili sa Molo 1 Elementary School ang mga apektadong residente.