-- Advertisements --
Nailigtas ang dalawang babae at walong menor de edad na ibinubugaw sa Maynila at Caloocan.
Pinangunahan ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) – Luzon Field Unit ang pagsagip sa mga biktima.
Isinagawa ito sa dalawang motel sa Tondo, Maynila at Caloocan City.
Ayon kay Police Col. Samuel Mina Jr, ibinubugaw ng isang alyas Rose ang mga biktima at binabayaran mula P500 pataas.
Nasa kustodiya na ng WCPC sa Camp Crame ang mga nasagip na biktima at inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek.