-- Advertisements --

kitqc1

Arestado ng PNP CIDG ang 10 indibidwal sa Quezon City dahil sa pagbebenta ng mga pekeng Covid-19 detection products.

Kinilala ni PNP CIDG Director MGen. Albert Ferro ang suspek na si Marize Santiago na umanoy may kuneksiyon sa isang Chinese online selling group; dahilan para ikasa nila ang isang entrapment operation.

Isang operatiba ang nagpanggap na poseur buyer, kung saan binentahan ito ng 30 boxes ng Clungene rapid tests kits na nagkakahalaga ng P204,000.00.

Matapos maibigay ang mga biniling test kits, dito na hinuli ang suspek.

Ikinasa ang operasyon ng mga operatiba ng CIDG at QCPD kaninang alas-11:00 ng tanghali sa may bahagi ng Scout Bayoran sa Barangay South Triangle.

Nakumpiska din ng mga pulis ang nasa P9 million halaga ng mga assorted rapid test kits.

Hindi nagawang magpakita ng License to Operate ang o special permit ang suspek.

kitqc2

Ayon kay Ferro bago pa ang kanilang operasyon kanina, nagsagawa muna silla ng test buy operation at dito nagverify sila sa Food and Drug Administration kung may lisensiya ang nasabing seller subalit ayon sa FDA hindi ito otorisado na magbenta ng mga test kits.

Nakumpiska din ang mga operatiba ng NBI identification cards at badges.

Makikipag-ugnayan sila sa NBI kung miyembo ito ng kanilang ahensiya.

Naniniwala si Ferro na isang malaking sindikato ang nasa likod ng mga nakumpiskang mga pekeng test kits na umiiwas sa pagbabayad ng taxes o buwis.

Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng CIDG ukol sa nasabing operasyon.