1-year loan extension sa mga negsyong apektado ng COVID-19, ipinapanawagan
Hinimok ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ang mga bangko at iba pang financial institutions sa bansa na gawing isang taon ang extension sa pautang sa mga negosyong apektado ng COVID-19.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan aniya ng sapat na panahon ang mga negosyo na ito na makapag-recover at mabayaran ang kanilang loan sa mas mahabang panahon.
“We appeal to banks and other financial institutions to display greater empathy and compassion toward businesses that are bearing the brunt of the COVID-19 related economic fallout,” ani Herrera.
Nauna nang nanawagan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa mga bangko at non-financial institutions na bigyan ng one-year extension ang loan maturities na ang due ay sa pagitan ng Marso 16, 2020 at Disyembre 31, 2020.
Ayon kay Herrera, ilan sa mga negosyo ay nagbabalak nang magsara, habang ang iba naman ay gumagawa ng malaking hakbang manatili lamang bukas tulad ng cost-cutting, lay-offs at pay cuts.
Kabilang aniya rito ang micro, small and medium enterprises, na bumubuo ng 99 percent ng mga negosyo sa bansa.