-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 29 12 22 24

GENERAL SANTOS CITY – Bahala na ang Mayor nitong lungsod kung payagan ang pitong araw na suhestiyon na temporary shutdown ng Gensan fishport complex.

Ito ang sinabi ni Paris Ayon ang Food Safety Chief ng Philippine Fisheries Development Authority matapos nag indorso ang SOCSARGEN Federation of Fishing and Allied Industries Incorporated ( SFFAII ) kay Gensan Mayor Ronnel Rivera na sarhan ang market 1, market 2 pati ang market 3 para magsagawa ng contact tracing sa luob ng fishport.

Itoy matapos sinabi na tatlo sa mga nagpositibu sa coronavirus nitong lungsod ay nagmula sa fishport nitong lungsod. Maliban sa tatlong market bukas naman ang ibang pasilidad sa lugar kagaya ng Bangko at iba pang pwesto pati na ang administration building.

Nakasaad sa endorsement ng SFFAII ang pitong araw na shutdown simula sa Setyembre 2 hanggang 8, 2020.

Dagdag pa nito na mas mainam na mapaikli ang gagawing contact tracing at pag disinfect sa lugar sa loob lamang ng apat na araw para makabalik kaagad ang ekonomiya sa lugar.

Dahil dito minadali na ng mga fishing industry ang paghatid ng kanilang kuhang isda mula sa laot para mahatid kaagad ito sa fishport.

Nalaman na anim sa pitong tuna cannery industry ng bansa ang nasa lungsod na pawang kumukuha ng isda sa GenSan fishport.