-- Advertisements --

Simula na si Roxanne Baeyens sa kanyang mga responsibilidad bilang Miss Philippines-Earth ngayong taon.

Ito’y isang linggo mula nang masungkit ng 23-year-old Filipino-Belgian beauty mula Baguio ang nasabing title para maging kinatawan ng bansa sa Miss Earth pageant.

https://www.instagram.com/p/CCddtMaAfgB/

Ayon kay Roxie, alam niyang mas mabigat ang pagiging Miss Philippines-Earth sa gitna ng coronavirus pandemic sa bansa pero lagi nitong ibabaon ang dasal upang makayanan ang kanyang purpose.

Una rito, naitanong sa Baguio bet ang patungkol sa social distancing.

“I think taking social distancing and taking proper precaution is should still be continued despite us being in GCQ. We are allowed to go back to our jobs not because it is safe but because livelihood is important so let us not put our guards down let’s continue to take cautions and let’s work in solidarity to put an end to this pandemic,” ang naging tugon nito.

Habang sa final question and answer, iisa lamang ang naging katanungan sa Top 5: “What important quality should a leader display amidst a pandemic?”

“A leader should display having a green thumb because at this point in time we have a shortage in food supply so it’s important to open the eyes of people to embrace having a sustainable life to start urban agriculture at their own homes after all a green life is a better life and I hope the leader will give that to us,” ang winning answer ni Baeyens.

Tatangkaing maibigay ni Baeyens ang panglimang Miss Earth crown sa bansa.