-- Advertisements --

Tinatapos na ang 1 Sambayan ang kanilang kandidato para sa 2022 elections.

Sinabi ni Atty. Howard Calleja, convenor ng 1 Sambayan, na mayroong silang malakas at solidong grupo para sa May 2022 elections.

Unang titignan kasi nila sa kandidato ng grupo ang track records nito at ang pananaw sa iba’t-ibang isyus gaya sa hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic, isyu sa West Philippine Sea at ang batas sa bansa.

Lahat aniya ng mga kandidato ng koalisyon ay dadaan sa parehas na proseso.