KORONADAL CITY – Inaasahan na malaking tulong para sa PNP ang paglalarawan ng isa sa mga testigo ng pamamaril sa quarantine checkpoint sa bahagi ng Prk. Malipayon, Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng iba pa.
Ayon kasi kay alyas Mae, isa sa mga saksi sa nangyaring pamamaril sa naturang lugar, namukhaan niya ang isa sa mga tatlong suspek na responsable sa bumaril sa mga nagbabantay sa checkpoint na ikinasawi ni Police Master Sgt. Arnold Paclibar at ikinasugat nina Police Staff Sgt. Chato Maycong, barangay health worker naa si Josephine Danggan at ang barangay tanod na si Arnel Saldo.
Paglalarawan nito, ang naturang suspek ay medyo matangkad, moderate ang pangangatawan at medyo singkit ang mata nito, ngunit hindi niya namukhaan ang dalawang kasama nito dahil nakatalikod.
Nabatid na mariin ring kinondena ng PNP Region 12 ang naturang insidente at tiniyak na kanila itong tututokan upang managot ang mga suspek sa naturang pamamaril.