Reading Time: 1 minute

LAOAG CITY – Dead on arrival ang isang lalaki sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City matapos naibangga ang sinasakyang motorsiklo sa poste sa bahagi ng Manila North Road sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Nakilala ang namatay na si Jobert dela Cruz, 23-anyos na residente ng Barangay Baay sa nasabing lungso, habang ang kritikal ay hindi pa tukoy.

Sa imbestigasyon ng San Nicolas-Philippine National Police, habang pa-silangang direksyon ang mga biktima ay bigla na lamang silang sumalpok sa poste.

Dinala si dela Cruz sa nabanggit na ospital subalit idineklarang patay, habang ang kasama nito ay isinugod naman sa Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital sa Laoag.

Gayunman, habang patungo ang biktima sa ospital lulan ng ambulansya ay may nabangga naman itong motorsiklo na papalabas sa isang fast food chain.

Dito ay nasugatan ang driver na nagngangalang Jaypee Ancheta, gayundin ang live-in partner nito at ang isang taong gulang nilang anak.