-- Advertisements --
Patay ang isang indibidwal na nakasakay sa isang AUV matapos barilin sa may bahagi ng Osmeña Highway sa Makati City kaninang umaga.
Nakilala ang biktima na si Jesus de Guzman, 63-anyos,residente ng Barangay Bangkal.
Batay sa asawa ng biktima na si Ramona, sakay sila sa kanilang Honda CRV ng bigla na lamahg sila nilapitan ng suspek na naka-suot ng olive green jacket at bigla na lamang pinaputukan ang kanilang sasakyan.
Ini-imbestigahan na ngayon ng Makati PNP ang insidente at inaalam na kung ano ang motibo sa pamamaril.
Narekober mula sa crime scene ilang empty shells ng 9 mm pistol.
Ongoing na rin ang manhunt operation laban sa suspek.