-- Advertisements --

Patay ang isang katao habang marami ang sugatan sa naganap na pag-atake ng mga naka-maskarang armadong suspek sa isang Simbahang Katolika sa Istanbul, Turkey.

Naganap ang insidente nitong Linggo ng umaga kung saan nagaganap ang isang misa sa Santa Maria Draperis Church.

Kinondina ni Turkish Interior Minister Ali Yerlikaya ang insidente at inutusan ang mga otoridad na simulan agad ang imbestigasyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si President Recep Tayyip Erdogan sa mga biktima ng pamamaril at tiniyak na pananagutin ang nasa likod ng atake.