-- Advertisements --
Patay ang isang katao at sugatan ang dalawang iba pa matapos ang pagbagsak ng isang fighter jet sa central Xiangyang, China. China.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad nagkaroon ng problema ang Air Force J-7 fighter jet habang nasa training flight at bumagsak sa bahagi ng paliparan.
Nakaligtas ang piloto ng ito ay nag-parachute.
Nagdulot ito sa pagkasunog ng ilang gusali sa kapaligrian.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente.