-- Advertisements --
Patay ang isang katao at maraming iba pa ang nasugatan ng araruhin ng isang kotse ang mataong lugar sa Berlin, Germany.
Ayon sa mga kapulisan na naaresto nila ang isang 29-anyos na lalaki na itinuturong nagmamaneho ng sasakyan.
Naganap ang insidente sa isang shopping area kung saan maraming tao ang nandoon.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sinadya ba ng suspek o isang uri lamang na aksidente.