-- Advertisements --

Isa ang patay apat katao ang sugatan sa naganap na pamamaril sa isang mansion party sa Los Angeles.

Nasa mahigit 100 katao ang dumalo sa isang party sa Mulholland Drive ng sila ay pinagbabaril ng isang lalaki.

Napatay sa insidente ang isang 35-anyos na babae. .

Ayon sa kapulisan sa Los Angeles, unang bumisita sila sa lugar matapos na makatanggap ng reklamo dahil sa ingay sa loob ng bahay.

Muli silang nakatanggap ng tawag at pagkatapos ng ilang oras ay nakita na nila wala ng buhay ang isang babae.

Malaki ang paniniwala ng kapulisan na malamang kagagawan ng mga gang ang nasabing insidente.