-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isa ang patay habang arestado naman ang isang barangay kagawad sa magkahiwalay na drug operations ng mga operatiba sa Davao city at Davao del Norte.

Batay sa report, dead on arrival sa ospital ang kinilalang Top 4 Regional High Value target ng PNP-PDEA na si Elmel Labio Payo alyas Nonoy matapos nanlaban sa mga otoridad sa ginawang buy bust operation sa Purok 2 Barangay San Miguel tagum City.

Napansin umano ng suspect na operatiba ang kanyang ka-transaction kaya kaagad itong bumunot ng kanyang .45 kalibre na armas kaya napilitan ang mga otoridad na paputukan ito.

Nakuha mula sa kanyang posisyon ang mga sachet ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso, at isang kalibre 45 na armas.

Samantala, huli rin ang isang Alvil Silawan, 39 anyos, Barangay kagawad ng Barangay Magugpo West tagum City habang papasok na sana sa Task Force Davao at Bunawan police station checkpoint sa Licanan, Lasang, davao City.

Nang isina-ilalim sa interogasyon, inamin nito na isa siyang barangay kagawad ng Tagum City at may importanting lakad dito sa Davao City.

Nakuha mula sa sasakyan ng Brgy Kagawad ang isang sachet ng shabu.

Dahil dito nagbabala ang Davao City Police Office sa mga motorista na mag-ingat kung papasok sa lungsod dahil mas dobleng mahigpit na seguridad ang kanilang ipinatutupad ngayon hindi lamang laban sa kriminal kung hindi para na masiguro ang pagsunod sa mga health protocol laban covid 19.