-- Advertisements --

Nasawi ang isang 60-anyos na babae sa sunog sa Barangay Niog 1, Bacoor, Cavite, at natupok ang hindi bababa sa 30 bahay, na nag-iwan naman ng halos 90 pamilya na nawalan ng tirahan.

Ang mga lumikas na pamilya ay pansamantalang nanunuluyan sa isang bakanteng lote dahil kinulang na sa evacuation centers dahil mayroon pa ring mga evacuees mula sa nakaraang sunog na nananatili sa Niog Elementary School.

Sinabi ni Niog 1 Barangay Chairman Alma Camarce na 20 pamilya lamang ang kayang i-accommodate ng barangay hall. Sa ngayon tiniyak naman ng mga opisyal ng barangay na ginagawan na nila ito ng paraan.

Ang mga biktima ay patuloy ngayon na binibigyan ng food packs at damit habang pinoproseso ng pamahalaan ng Lungsod ng Bacoor ang kanilang impormasyon para sa tulong pinansyal.

Matatandaan na nagsimula ang sunog noong Sabado alas-4 ng hapon.