vehicular incident 2

LA UNION – Dead on arrival sa pagamutan ang isang driver habang sugatan naman ang pitong iba pa sa banggaan ng truck at van sa kahabaan ng national highway sa bahagi ng Barangay Taboc, San Juan, La Union kagabi.

Nakilala ng namatay na si Christan Martinez, 23, binata, residente ng Barangay Nagsaraboan, sa bayan ng Bacnotan, habang nakilala ang mga sugatan na sina Merlinda Delfin, 73, biyuda; Sheena Padilla, 21, dalaga; Charen Ochoco, 15, at Edna Narciso, 39, may asawa, pawang mga residente ng Barangay Lingsat, at sina Analisa Medina, 45, residente ng Barangay Langcuas, San Fernando City; at Stephene Narciso, 14, ng Barangay Sto. Rosario, sa bayan ng San Juan.

Base sa imbestigasyon ng San Juan Police, galing sa isang church service ang mga biktima mula sa bayan ng Bacnotan na patungo ng timog na direksyon habang ang truck na minaneho ni Defensor Wagteng, 32, residente ng Alilem, Ilocos Sur, binata at patungo naman ng hilagang direksyon para magdeliver ng mga bakal.

Napag-alaman na nag-overtake umano ang truck sa van kung kaya nangyaring a salpukan ng dalawang behikulo.

Ayon naman kay S/Sgt. Rerxter Suriben, hepe ng San Juan Police, hindi nakainom ang dalawang driver ngunit posible aniya na mabilis ang takbo ng mga ito.

killed collision vehicular
vehicular incident la union

Sa ngayon, nasa kustodiya pa ng mga otoridad ang driver ng truck habang nagpapagamot naman sa pagamutan ang mga sugatan biktima na nasa mabuti ng kalagayan.