-- Advertisements --
Isa ang patay habang pito ang nawawala matapos ang pagbagsak ng dalawang military helicopters ng Japan.
Ayon kay Japanese Defense Minister Minoru Kihara, na ang dalawang helicopter ay bahagi ng military drill sa Pacific Ocean.
Naniniwala sila na nagkaroon ng nagbanggaan ang dalawang helicopters.
Nahanap na rin ng mga otoridad ang flight recorder at dito pag-aaralan ang pinakasanhi ng aksidente.
Tumulong na rin ang US sa paghahanap sa pitong iba pang mga nawawala.