-- Advertisements --
Screenshot 2020 05 16 16 11 23

TACLOBAN CITY – Nag-iwan ng isang kataong patay habang apat naman ang naitalang sugatan matapos ang pagtama ng bagyong Ambo sa Eastern Samar.

Ang namatay ay isang lalaking mula sa Brgy. Natividad, San Policarpo.

Nagka-hemmorage umanoito matapos ang natamong sugat sa ulo dahil sa bubog ng jalousy.

Ayon kay San Policarpo Mayor Thelma Nicart, na may tatlo pa mula sa kanilang lugar ang naitalang sugatan na kaagad namang dinala sa hospital para bigyan ng karampatang lunas.

Samantala isa naman ang naitalang sugatan sa Can-avid, Eastern Samar matapos mahulugan ng debris at dalawa ang patuloy na minomonitor ng Office of the Civil Defense Region 8 (OCD-8) sa bayan ng Oras, Eastern Samar matapos na nai-report na missing.

Ayon pa kay San Policaro Mayor Nicart na nasa 70 percent ng kabahayan ng kaniyang nasasakupan ang labis na nasira ng nagdaang bagyo.