CENTRAL MINDANAO – Nabalot ng takot ang mga sibilyan sa nangyaring pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa siyudad ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Aminudin Radzak Musa habang sugatan naman sina Nasrudin Nanao, Doring Dadza Alamansa at Joharli Samo Nanding, mga residente ng Almonte Extension, Barangay Poblacion 4, Cotabato City.

-- Advertisement --

Ayon kay Col. Michael Lebanan, hepe ng Cotabato City Police Office, bigla na lamang pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek ang mga biktima gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin nang matunugan ang paparating na mga pulis at miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

Ang mga biktima ay agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit drniklarang dead on arrival si Musa nang magtamo ng matinding tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan habang ligtas na ang tatlo nitong kasamahan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril sa mga biktima.