NAGA CITY – Patay ang isa katao habang sugatan naman ang dalawang menor de edad matapos makasalpok ang isang motorsiklo sa Mitsubishi Montero sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na binabaybay ng naturang motorsiklo na minamaneho ni Michael Abanila ang kahabaan ng kalsada sa naturang lugar kasama ang isang 15-anyos at tatlong taong gulang na mga backrider.

Ngunit pagdating sa naturang lugar, bigla itong sumapok sa kaliwang bahagi ng Montero na minamaneho naman ni Alex Taroy Tresvalles, 35-anyos.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang sakay ng mga motorsiklo na agad namang isinugod sa ospital ngunit napuruhan si Abanilla habang patuloy pang ginagamot ang dalawang bata.