-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang babae habang nasa kritikal ang dalawa nitong kasamahan matapos matumba ang puno ng niyog papunta sa kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng Hagonoy Municipal Police station, habang kumakain ang mga biktima na nagngangalang Dean Shenly C Mamad , 20-anyos; Dominic Mamad, 18, parehong residente ng residente ng Purok 4, Barangay Sacub, Hagonoy, Davao del Sur; at Deaniah Chillswayne Mosong, 18, residente ng Purok 2, Barangay Maliit Digos, Hagonoy, Davao del Sur, ay bigla na lamang umanong natumba ang puno ng niyog.

Kaagad na rumesponde ang rescue team ng Munisipyo sa Hagonoy at agad isinugod ang mga biktima sa Davao Sur Provincial Hospital.

Gayunman, ideklara ng mga doktor na dead on arrival si Dean Shenly habang kritikal ang kondisyon ng kanyang mga kasamahan.

Dagdag na imbestigasyon ang isasagawa ng mga otoridad matapos ang insidente.