-- Advertisements --

Isa ang patay at 15 ang itinakbo sa pagamutan dahil sa pagkain ng chicken mami sa Gagalangin, Tondo Maynila nitong tanghali ng Miyerkules, Hulyo 20.

Kinilala ang 45-anyos na biktima na si Josefina Manila habang mayroong 16 ang itinakbo sa pagamutan.

Kinabibilangan ng senior citizen, minor-de-edad. buntis at maging ang tindera ng chicken mami na si Joy Bernardino matapos na makaranas ng pagsusuka, pagdudumi at pagkahilo.

Sinabi ng ina ng tindera na si Aner dela Vega na wala silang ibang inihalo sa mami dahil matagal na silang nagbebenta nito.

Handa aniya sila ng makipagtulungan sa mga otoridad sa anumang imbestigasyon na gagawin dito.

Sa kasalukuyan ay mayroong walo pang biktima ang nananatili sa pagamutan.