NAGA CITY – Isa patay habang isa naman ang sugatan matapos na bumangga ang isang motorsiklo sa puno ng Gemilina sa Brgy. Binanuahan, Lagonoy, Camarines Sur.

Kinilala namatay na isang teacher na si Arnold Saboco, 29, at ang drayber ng motorsiklo na sugatan na si Glendins Corono, 19, mga residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. Julius Prima, officer-in-charge ng Lagonoy PNP, sinabi nitong habang binabaybay umano ng mga biktima ang kahabaan ng nasabing lugar ng mawalan ng kontrol si Corono sa minamaneho nitong motorsiklo at tumama sa isang puno.

Ayon kay Prima, dahil dito tumilapon ang mga biktima na agad namang nirespondehan ng mga otoridad.

Subalit aniya, dahil sa malalang tama hindi umabot ng buhay sa ospital si Saboco na idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

-- Advertisement --

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.