-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Bumagsak na rin sa kamay ng mga otoridad ang pang-apat na suspek na umano’y kabilang sa humalay sa estudyante ng Southern Philippines College kagabi.

Ayon kay Police Executive Master Sargeant Ricky Bagas, hepe ng Police Station-5, nahuli agad ang tatlong suspek kagabi matapos mai-report ang sinapit ng 20-year-old hotel and restaurant management student.

Sinabi nito na pawang mga BS Criminology students ang mga suspek at nangyari ang krimen sa loob ng isang boarding house sa tapat lamang ng kanilang paaralan.

Naganap ang panggagahasa sa gitna ng malaking programa ng koleihiyo kagabi.

Sa apat na nadakip, isa ang umaming menor de edad pa lamang.

Ibinunyag din ng suspek na may video sila sa kanilang panghahalay.

Samantala, umapela ng hindi pinangalanang ina ng biktima kay Pangulong Rodrigo Duterte na parusahan sa pamamagitan ng death penalty ang mga suspek.