-- Advertisements --

Isa umanong opisina ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tututok ngayon sa pagtanggap ng mga requests para sa repatriation ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni DMW Sec. Susan “Toots” Ople na nakausap na nito ang Overseas Workers Overseas Workers (OWWA) Welfare Administration (OWWA) Hanz Leo Cadac kaugnay rito.

Napagkasunduan daw nilang isang opisina na lamang ang tatanggap ng mga request ng mga gusto nang umuwi sa bansa na mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Ngayong linggo ay nakatakda raw ilabas ng DMW ang mga numerong puwedeng tawagan o mga Facebook page para sa kanilang pakikipag-ugnayan sa naturang ahensiya.

Una rito, inanunsiyo ni Ople ang paglikha ng One Repatriation Command Center (ORCC) na siyang tutulong sa pag-facilitate sa repatriation ng lahat ng mga OFWs na kailangan nang umuwi sa bansa.