-- Advertisements --

Na-hack ang isang online account ng Public Attorney’s Office (PAO) ayon kay Chief Persida Rueda-Acosta.

Saad ng PAO chief ang naturang online account ng ahensiya na Dear Pao FB ay nagpapakita ng mga video na malalaswa.

Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ang publiko na tumulong para sa mass reporting ng nasabing hacked page.

Aniya, ang kanilang account na ito ay isang daily column ng PAO na nailalathala sa pahayagan.

Samantala, nag-request na umano ang PAO chief sa online platform na tanggalin ang fake account na nanloloko, malisyoso at ginagamit ang kaniyang pangalan nang wala ang kaniyang consent.

Una na kasing nagbabala ang naturang ahensiya noong nakalipas na taon matapos na gamitin ng isang pekeng online account ang kaniyang pangalan at ng PAO.