GENEVA, Switzerland – Ikinabahala ng ilang international organization ang ulat ng World Health Organization (WHO) ukol sa dumadaming kaso ng COVID-19 sa hanay ng healthcare workers.
Ayon kay Guy Ryder, ang director general ng United Nation International Labour Organization (ILO), isang “shocking testimony: ang mga numero ng infected medical frontliners.
“Patients’ safety requires guarantees of health worker safety as well – two sides of the same coin. Regrettably too often those guarantees are missing.”
Sinabi naman ni WHO emergency chief Mike Ryan, na hindi biro ang epekto ng COVID-19 pandemic sa mga healthcare workers na palaging nakaharap sa mga infected na pasyente.
“One is to stand there and watch people die because you can’t help them. Two is to see a worker fall and be infected, your fellow worker and friend.”
“And the third – and the one that really weighs on health workers most of the time in these situations – is the chance they could take that disease home to their families, to their friends, to their children,” ani Ryan.
Lumalabas kasi sa datos ng WHO, isa mula sa pitong reported case ng COVID-19 ay healthcare worker. Sa buong mundo, 14% umano ang katumbas ng infected medical frontliners mula sa total case count.
Ayon din sa WHO, na health agency ng United Nations, malaki rin ang epekto ng psychological stress sa mga frontliners na halos walang-tulog nakikipaglaban sa pandemic.
Batay sa pag-aaral ng organisasyon, isa mula sa apat na healthcare worker ang dumaranas ng depression at anxiety. Habang isa mula sa tatlo ang may insomnia o komplikasyon sa pagtulog.
“No country, hospital or clinic can keep its patients safe unless it keeps its health workers safe,” ani WHO chief Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus.(AFP/Reuters)