-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Binawian na ng buhay ang broadcaster na si Benjie Caballero ng Radyo ni Juan FM sa Sultan Kudarat matapos itong binaril.

Batay sa impormasyon, tumagos ang dalawang bala na tumama sa kaniyang baga na pinaniniwalaang dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Kung maaalala, binaril ang biktima noong Oktubre 30 ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang papunta ito sa kaniyang trabaho.

Sa ngayon inilibing na ito ng kaniyang mga kaanak sa M’lang, North Cotabato, ayon sa tradisyong Islam.

Hustisya ang sigaw ng kaniyang pamilya sa sinapit ni Caballero.

Habang kinondena naman ng National Union of the Journalists of the Philippines ang pangyayari.