NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad habang sugatan naman ang isa pa matapos na masagi nang isang jeep ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Barangay Del Rosario, Lopez, Quezon.
Kinilala ang driver ng motorsiklo na isang 18-anyos na lalaki at ang backrider nito na si Noel Masaga, 37.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng nasabing kalsada nang aksidente itong masagi nang kasabayang jeep na minamaneho ni Rodilo Desamero, 42.
Dahil sa lakas ng impact nagtamo nang tama sa ulo ang menor de edad na naging dahilan nang agaran nitong pagkamatay.
Samantala, agad naman na dinala sa ospital si Masaga para sa asistensiya medikal.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.