CENTRAL MINDANAO- Awayan sa lupa ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pananambang sa dalawang magsasaka sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Andy Pindig habang sugatan naman si Dondon Simino,mga residente ng Sitio Hill 224 Brgy Maitumaig Datu Unsay Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na habang lulan ang mga biktima sa kanilang motorsiklo pauwi na ng kanilang tahanan galing sa sakahan nito ng bigla silang paputukan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 Armalite rifles.

Patay on the spot si Pindig na nahulog sa motorsiklo nang tamaan ito ng bala sa kanyang ulo at likod.

Sugatan naman si Simino ngunit nagawa pa nitong patakbuhin ang motorsiklo patungo sa ligtas na lugar.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspek nang matunugan nilang nagresponde ang mga sundalo at Cafgu.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Unsay PNP sa naturang pangyayari.