-- Advertisements --

Nakahanda ang Department of Health (DOH) sa pag-rolyo ng ikalawang round ng kanilang vaccination drive sa buong bansa kontra sakit na polio.

Ayon sa DOH, magsisimula sa Setyembre ang Round 2 ng “Sabayang Patak Kontra Polio” sa Laguna, Cavite at Rizal. Target na ahensya na mabakunahan ang aabot sa higit 1-milyong kabataan sa pagitan ng mga petsang September 14 hanggang 27.

“To respond to the delay in barangay immunizations caused by the challenges of the pandemic and the demand for HCWs, we are training volunteers to do vaccinations against polio in close coordination with local community leaders in order to synchronize efforts for both polio and COVID,” ani Dr. Maria Wilda Silva, DOH National Immunization Program Manager.

Una nang nabakunahan ng polio vacine ang higit 250,000 na kabaataan sa lalawigan ng Laguna — maliban sa Calamba City at bayan ng Pakil — sa ilalim ng Phase 1.

Batay sa tala ng DOH, mula nang ipagpatuloy ang unang round ng programa ay 3.4-milyong kabataan sa Mindanao ang nabakunahan. Nasa higit 1-milyon naman ang sa Central Luzon.

Ayon sa World Health Organization, 95% coverage sa kada round ng polio vaccination ang dapat mabakunahan para mapigil ang outbreak ng sakit. Sa unang quarter pa lang ng 2020, higit sa nasabing ng porsyento na raw ang nabigyan ng DOH ng bakuna sa polio.

“Asidefrom vaccination, surveillance is a very important factor in keeping polio at bay. The implementation of the SPKP campaign includes the immunization of children <5 years old and strengthening of the acute flaccid paralysis (AFP) surveillance,” dagda ni Dr. Silva.

Kung maaalalala, pinalakas ng Health department ang programa nito sa polio vaccination matapos makapagtala ng presensya ng virus noong nakaraang taon sa ilang waterways sa Metro Manila.

Hinimok naman ni DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire ang publiko at iba pang sektor na magtulungan para matagumpay na mabakunahan ang mga bata kontra polio.

“Yan ang susi sa ating tagumpay — ang pagtutulungan ng lahat ng stakeholders, what we call “whole-of-society” approach,” ani Vergeire.