NAGA CITY- Sugatan ang isa katao matapos pagsasaksakin at basagin ang bote sa mukha sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Michael John Espiritu.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) sinasabing habang nag-iinuman umano ang biktima at ang suspek na si Von Jomar Amado ng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan na nagresulta sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Hindi pa nakuntento si Amado, binasag pa nito ang isang bote sa mukha ni Espiritu.

Dahil dito, agad namang isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng sugat sa kanyang mukha at katawan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.