-- Advertisements --
NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos masagasaan ng motorsiklo ang isang pedestrian sa Barangay Tambo, Pamplona, Camarines Sur.
Kinilala ang namatay na si Jione Avila, 51, habang sugatan naman ang drayber ng motorsiklo na si Jumer Pena, 24.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, sinasabing patawid umano ng kalsada si Avila ng aksidenteng mabangga ni Pena.
Agad namang isinugod sa ospital ang biktima subalit idinekalara nang dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.