Nakikita ng OCTA Research group na bababa sa 1,000 hanggang 2,000 ang daily COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Pebrero.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, sa kasalukuyan ang bansa ay mayroong average na 8,422 COVID-19 cases.
“The number of new COVID-19 cases around the country continues to decrease. As of February 1 to 5, the daily average was 8,422 new cases, down from 17,025 as of January 25 to 31,” ani David.
Kung pagbabasehan ang nararansang trend sa ngayon, maari aniya na sa Valentine’s day ay papalo na lang sa 4,000 hanggang 5,000 ang COVID-19 cases kada araw.
Magugunita na noong Pebrero 2, ang reproduction number sa bansa ay pumalo na lang sa 0.55 mula sa 0.93 noong January 26.
Ang seven-day COVID-19 positivity rate naman ay bumaba rin sa 24 percent mula sa dating 34 percent.
Sa kabilang dako, ang hospital bed occupancy ay pumalo sa 40 percent mula sa dating 49 percent.